Gate ng PUP Sto. Tomas Campus kung saan naganap ang tagpong nakasulat sa maikling kwentong ito. |
"Hindi sa haba yan sa laki masusukat kung gaano kasarap at totoo ang pagmamahal" Karamihan sa panahon natin binabase ang tunay na pagmamahal sa tagal ng pagsasama, pero kung sa panahon din naman ang sukatan ng tunay pagmamahal diyan kayo mabibilib sa katropa ko na itago natin sa pangalang V. Si V na mahilig magtago sa dilim, ayaw sa liwanag at ang tanging liwanag na gusto niyang makita ay ang liwanag mula sa monitor ng kompyuter, tech-geek kung baga. Siya si V na nakamaskara nakikita mong nakangiti pero sa kalooblooban niya wala kang maaaninag na kasiyahan. Isa siyang taong nabiktima ng lecheng forever ni Marcelo, kasi sa loob ng tatlong taon sa Sintang Paaralan iisang babae lang ang kanyang nagustuhan. Biruin mo, sa dinami dami ng isda nakabingwit siya ng Century Tuna Flakes n oil--"It's good for the heart" ika nga. Marami ngang babaeng magaganda sa loob ng Sintang Paaralan "Look to your left, look to your right and shake it all around and all you can say is Wow Philippines--the feeling is like It's More Fun in the Philippines". Kaya nga may PUP Thomism para makuhanan sila at Mang Tomas Code para masabing "Maganda sila" at "Worth it mahalin" Pero si V iba, loyal na loyal siya kay babae hindi at NEVER naging sila. Mas talo pa niya ang dalawang tao na masasabing may 'Sila' kasi kahit hindi naging sila nairaos niya ang pagmamahal niya kay babae w/in 3years. Itago natin si babae sa pangalang Angeliqe, kasi maganda siya at isa siyang Anghel na galing sa langit at napunta sa lupa. Para bang si Angelique ay isang 50gb Flash Drive na na-eject sa langit at nakita ni V at siempre lahat naman siguro matutuwa pag nakakita ng 50gb Flash Drive kahit hindi alam kung anong mayroon sa loob. Na-meet ni V si Angelique sa isang student org--Freshmen si V sa kae-evolve na course ni Poseidon at si Angelique naman ay sophomore sa pagbebenta ng cupcakes(ewan ko lang) 7 years ang tanda niya kay V(cat age). Itago na lang natin ang org na ito sa pangalang-Kubeta. Actually kasama ko siya na pumasok sa kubeta pero ako lang ang lumabas at naiwan siya sa loob. Nagustuhan niya ata dun kasi nakakita siya ng Anghel at siguro kala niya ang Kubeta ay isang langit. To make it short nagustuhan niya si Angelique pero that doesn't mean na gusto rin ni Angelique si V, ano sa tingin niyo forever ni Marcelo? "In your little monkey dreams" Simula noong sophomore nage-efort si V every ocassion para mapansin siya ni Angelique, may regalo siya sa Valentine's day, Sa birthday ni Angelique at sa araw na malakas ang sapi ni Pablo Picasso sa kanya. Yung regalo niya parang Oblation sa UP mapapa-wow ka sa laki ng ginagawa niyang sining, as in wow grabe "Hanep anak ah", effortful kung baga. Dahan-dahang ipinasok ni V sa buhay niya si Angelique, ni hindi man lang niya i-scan kung may virus si Angelique basta ang alam niya "It doesnt matter as long as it is a 50gb flash drive" Pero ngayong taon, sa loob ng 3 taon na naging parte ng buhay ni V si Angelique, dun niya nalaman na ang 50gb flash drive na ito ay may virus. Naghanda si V ng regalo para kay Angelique sa birthday niya, isang napakagandang gumagalwa na "Mother and child" ang surprise ni V. Naurong pa nga ang pagbigay niya dahil sa lecheng bagyo na iyan at dahil na din sa napakaspecial nung regalo kaya natagalan. Wala siyang matinong plano kaya heto kami, tinawag ang buong Barangay Laurel para backupan siya, isinama ko na din si Mang Tomas, Steven Williams at Jason Bourne. Nagplano kami at hindi to maganda, napakaganda nito. Naka-standby na yung buong team ng PUP Thomism para sa lights&camera, andiyan na si Mang Tomas para makiusyoso, maayos na ang daan papuntang Jollibee, nakaset na ang oras ng 'Surprise', naka-standby na din ang mga mob dancers sa kanto, naghihintay na ang banda sa food court para tumogtog, parating na din ang lechon na galing sa La Loma, may banderitas na din at handa na ang lamesa at upuan para sa bisita, ayos na ang catering services, ayos na din yung Sound System at yung performers tulad ng Silent Sanctuary, Kamikaze at Tanya Markova. Pero sabi ko nga plano lang ang lahat, basta ibinigay na lang ni V yung "Mother and child" Epic fail yung plano ni V, tinangihan ni Angelique yung regalo. Hindi man daw pinansin, 4r4y q0h bh3. Yung kala mo Forever yun pala limang segundo lang. Hindi dahil nakalagay sa casing ng flash drive ay 50gb ay 50gb ba yun at hindi dahil sabi nung tindero ng chicharon na may "laman" ang tinitinda niyang chicharon eh may laman talaga yung chicharon. Saka lang nalaman ni V na may virus pala yung flash drive na iyon nung nagka-leche-leche na ang system niya, hindi lang pala virus, sa tagal na naka-connect eh nagkaroon nsa ng worm. Takte kahit yung mga kaklase niyang bukambibig ang "Understanding" di siya maintindihan. Walang tumulong na ayusin ang system niya, ayaw niya kasing magpaayos. Ngayon okay naman siya, parang si crush mukhang napaka-okay pero sabi ko yung mga taong ganito parang si V, nakangiti sa labas pero nakasimangot sa loob.
0 Reactions:
Post a Comment